Marife Necesito: Decries Shabby Treatment

Marife Necesito received an ovation during the screening of “Mammoth” as part of the Cine Europa Film fest at Shangrila Cineplex. Photo by Jude Bautista

Written and photographed

By Jude Bautista

Actress Marife Necesito has made the distinction of being the only Filipina in a major role in this year’s Cine Europa filmfest at Shang Cineplex. She stars as Gloria in the film “Mammoth” by Swedish director Lukas Moodyson. The film has been nominated for the Golden Berlin Bear at the Berlin film fest. The role also earned her a Best Supporting Actress nomination from the Cinemanila film fest.

Marife Necesito addresses a full house during the screening of “Mammoth” as part of the Cine Europa Film fest at Shangrila Cineplex. Photo by Jude Bautista

Headlining the film is  Spanish heartthrob Gabriel Gael Garcia and Hollywood actress Michelle Williams. Movie goers gave Marife a rousing ovation before and after the screening. “Mammoth” was screened twice to packed theaters during the fest.

Necesito has since been cast in several international films: “Graceland” byNew Yorkbased Pinoy director Ron Morales, “Lileth Never Happened” by Jacco Groen and “Darkest Night” written by Russ Williams with Filipino director Noel Tan. Her most current local projects include “Ka Oryang” by Sari Dalena, “Taxi Cab” by Archie Del Mundo, “Sponsor” by Shandi Bacolod and “Brod” by Ray Gibraltar. Lav Diaz’ “Agunistes” which also has Marife is in post production. She is also currently shooting “Alaalang Walang Malay” (Unconscious Memory) by Allan Balberona.

Marife Necesito in Lav Diaz’ “Agunistes” which is in post production stage.

She has established herself with a long list of theater performances which she still continues to this day. She can be seen as lead in the play “Awit Ni Ana” written by Dodie Anzures directed by Noel Miralles in the coming months. In an interview she was able to relay her frustrations with her recent experiences being cast in a local TV series.

What do you hope for your career after Mammoth?

Medyo na lulungkot ako dito sa Pilipinas. Ilang beses na nangyari sakin yung sa role ko pinalitan ako without my knowledge. Hanggang ngayon wala akong na achieve dito sa Pilipinas. Parang walang naka appreciate sa akin. Siguro mas na gain ko yung respeto sa ibang bansa. Na appreciate ko pa rin yung Filipino film maker natin magagaling.

Sa akin, di ko na achieve yung gusto ko as a respected actress. Kahit stable na trabaho lang. Konting respeto sa treatment sayo, lalo na sa network. Kasi sobra yung nangyari sakin sa treatment ng network.

Anung teleserye ang nagtrato sayo ng walang respeto?

“Amaya” ang worst. Lumnay yung role sa “Amaya” pero di na develop yung character. One month ako dun tinanggal na nila ko.  Sabi nila madedevelop yung character. Tapos nagulat na lang ako nung binasa ko yung sequence break down. Yung dialogue na punta na sa ibang artista na iba na yung pangalan dun.

Ako dapat magsasabi nun pero sa sequence break down di na ako. Actually di ako nagwala, tinanung ko lang bakit ganito. Yung teacher ko si Miss Angie Ferro ang nagwala. Sabi niya ‘Di ko siya trinain para tratuhin niyo ng ganyan.’ Di naman ako kumikibo. Confrontational ako pero di ko sinasabi na gawa ko na to etc.  Di ako nagyayabang.

Fans ask Marife for photos after the screening of “Mammoth” as part of the Cine Europa Film fest at Shangrila Cineplex. Photo by Jude Bautista

Did they explain why they gave the role or line to someone else?

Nandun pa rin yung role kaso yung linya lagi nilang binibigay sa iba. Marami raw kasing walang trabaho sa GMA artist. Ang sakin lang sana sinabihan niyo ako, one week before or two days before. Hindi yung excited na ko umaga hindi na ako yung gagawa.

Pinag tsagaan ko yung character na walang linya. Tagapaypay, tagahugas ng paa ng mas sikat na artista. Pinagtsagaan ko yon, slave girl ‘oripon’ ang tawag nila. Pinagtsagaan ko ng matagal.

Ang masakit pa ron yung mga tent nilalagyan nila ng mga pangalan. One time naka topless kasi kami ron. Tinanung ko yung P.A. san yung pangalan ko? Matagal kasi akong na wala sa network pero yung kasama ko sa teatro nandun.

Konting respeto lang sa pagkain sa tubig. Bigay na nila sa amin yon. Karapatan naman namin yon. Ala singko ng hapon tapos matatapos ala singko ng madaling araw. Ang layo ng kakainan tapos di pa kami nag merienda. Pina uupo nila mga stars lang, mga matatanda nga hindi e.

“Alaalang Walang Malay” (Unconscious Memory) cast mates from right Marife Necesito, director Allan C. Balberona and Gio Respall ay Shang Cineplex. Photo was taken after the screening of “Mammoth” (starring Marife Necesito, Gabriel Gael Garcia and Michelle Williams) as part of the Cine Europa Film fest at Shangrila Plaza. Photo by Jude Bautista

May kumampi ba sayo o pinaglaban ka?

Nagulat si (cast mate) Angie Ferro dahil na una ako sa kanya dun. Pilot pa lang nandun nako nagbabow, opo. Tinaggap ko yon dahil sabi nila madedevelop ang character. Nung nakita niya ko, ‘O Marife san ka kumakain?’ Dito po. ‘Bakit diyaan ka?’ Nagalit siya, ‘Diba nila alam, respetado kang actress?’. Sinabi niya sa EP (Executive Producer) pero wala lang. Deadma lang di ko alam sa EP kung alam niya.

P.A. at PM talaga may problema diyan. PM ang asshole diyan. Excited siya. ‘O Marife ikaw na si Lumnay. Meron ka na palang role.’ Dahil na bigyan siya ng script earlier ‘Nilagay pa ng writer eto o ikaw na si Lumnay nakalagay so may dialogue na. Pag-aralan na natin yan.’ Yan ang passion ni tita Angie. So acting coach ko parin siya.

Tapos hindi nangyari. ‘Ba’t na wala yung eksena mo dun?’ Na wala po e. So madami na. yung mahabang scene namin ni Marian na medyo na kikilala na yung character ko binigay yung dialogue sa iba. Sabi niya, ‘Di ko siya pinag-aral ng acting para ganyan ganyanin niyo’

Marife Necesito does her own make up in Lav Diaz’ “Agunistes”.

 Ano yung kaibahan ng local sa international productions?

Dito kasi sa Pilipinas kelangan sobrang bait ka. Feeling ko utak alipin, na wala kang karapatan magsalita. Kung magsalita may attitude problem ka na. Pag nag tanong ka ng talent fee taboo. Sa international ilalatag sayo magkano budget e. Ang working condition mo ito. Satin hindi e parang hulaan. (laughs)

Mabuti pa sa abroad kahit magsalita ang production designer kay Moodison ‘Don’t sit on my set’, dahil hot set hindi magagalit ang director. Safety natin lahat lang yung sinasabi ko. Pero sobrang gagaling na film maker ang Pinoy. Ang kunsepto ng indie director ang gagaling problema ko lang yung sistema. Shoot ng shoot walang pera laging paki usap.

Given a choice what else do you want to do?

Gusto ko magtrabaho sa channel 5. Nandun si Ate Guy (laughs). Nandun si Mario O’Hara dream director ko. Gusto ko siya makatrabaho. Pwede naman ako maging anak ni Ate Guy diba? Idol ko siya.

Fans ask Marife for photos after the screening of “Mammoth” as part of the Cine Europa Film fest at Shangrila Cineplex. Photo by Jude Bautista

25 thoughts on “Marife Necesito: Decries Shabby Treatment

  1. Ang arte naman nito! Bakit sikat na ba siya? Hindi lang siya nakakaranas ng ganyang treatment sa Pilipinas. Kung makareklamo naman siya kala mo award-winning na! Ganito lang naman kadali yan, kung ayaw niya ng sistema sa Pilipinas, palitan niya ang apelyido niya ng Baretto o ng Aquino o mas mabuti dumikit na lang sya kay Moodyson. Dun siya lagi magpacast. Saka yun naman claim to fame niya, eh kailan pa yun? Maka-aktres kuno pa. Karaniwan ng mga nagawa niya may tema ng hubaran. Saka sinu-sino ba ‘yung direktor na nakawork niya, Mga nameless. Si Lav Diaz at Lukas Moodyson lang kilala dun. Nakatikim lang ng kaunting international fame, yumabang na!

    • neknek, hindi yung yung pagka sikat yung issue. Problema yung pagtrato sa kanya na hindi maganda mapasikat siya o hindi. 100% magaling na aktress si Marife. Na gawa niya na lahat from theater, international and local films. Pero kahit maliit o malaki role mo konting respeto lang bilang tao ang habol niya. Yon lang.

    • @neknek26: Ang tanong…magtatrabaho ka pa ba sa isang kumpanyang ipangangako sa iyo ang langit at lupa, pero parang aso naman kung tratuhin ang halos lahat ng mga trabahador nila? Maliban na lang ‘yung mga malakas ang kapit sa management. O kaya sa director at sa executive producer.

      Nasisiguro ko, maraming makaiintindi ng saloobin ni Marife Necesito kahit na hindi sila mga artista. Maraming ganyang kwento sa mga call centers…umpisa pa lang ‘yan….

    • MADAMING SIKAT NA ARTISTA NA WALA NAMAN TALAGANG TALENTO. PORKET GUSTO NG MASA ANG MUKHA, ARTISTA NA. ILANG ARAW NG ACTING WORKSHOP, BAHALA NA, MAINSTREAM ACTOR NA. KARAMIHAN PA-DIVA, WALA NAMANG TALENTO.

      Pero hindi nga ang kasikatan ang issue dito. Karapatan ng bawat artista ang magkaroon ng maayos at pantay-pantay na pagtrato sa industriya, teatro man o indie o bara-barang mainstream na pelikulang Pinoy, o Hollywood man yan.

      • Salamat sa pagcomment Tamtamtam. Tama ka pero sa ngayon parang di na pwede yung bobo umarte. Kung ma CAST man sila tapos masama yung pag-arte, maaring di na ma-ulit. Na kikita ko na nagteyatro sila para ma hasa.

  2. I’ve worked with Marife, way back in the 90s in Balintataw. She is very professional and her acting is great! Too bad because of the showbiz system in our country the Philippines most of the well respected teatro actors are not given enough respect or recognition. One reasons is because they are from the theatre… they think theater people are poor, no name, less star value and so on. to tell you honestly, when we were in the theater with Marife, wow it felt like we are all the superstar. I still remember our play way back then; Movie Reporters On The Loose! Hay, those were the days. I am so proud of you Marife, at least you made that far! And I’m sure you will go far as long as you will continue to be humble, will not forget where you came from. Good luck to you Marife and more power. Just remember, being cool is the best way you can do and don’t burn your bridges. It’s alright to be real to express how you feel and use that as your driving force to obtain your dreams in life. Congratulations once more. This is your co-actor from Balintataw: Romeo :p)

  3. Kaya tayo hindi umuunlad dahil sa mga utak talangka at utak alipin. parati tayong nagpapasakop. hindi marunong magsalita at ipaglaban ang karapatan. takot magreklamo kasi takot mawalan ng trabaho. hindi nyo alam na habang kinukunsinti ang mga ganyang masamang palakad ay nagiging kultura na ito ng korupsyon. nagiging vicious cycle na ang pang-aabuso lalo na sa maliliit.

    Nanininiwala ako sa kakayahan ni Marife Necesito hindi dahil kaibigan ko siya. Nauna akong napahanga sa kanya hindi lang dahil sa kanyang husay sa pagganap, mas higit sa kanyang husay sa pakikisama at klarong antas ng kaluluwa at pagkatao.

    Kung nagreklamo man siya, iyon ay di dahil mayabang siya. Hindi naman yan magsasalita tama naman ang palakad sa produksyon. tiniis na nga lang ang hirap sa ngalan ng pagmamahal sa sining at pag-arte, gugutumin ka pa sa trabaho, tatanggalan ka pa ng pagkakataon na mabigyan ng magandang eksena kahit ang mismong creator/writer ang nagpasiya.

    Utak showbis kasi karamihan sa tv production, kung sino ang sikat, yun ang pinapaboran. hindi binibigyan ng premium ang kakayahan, karanasan, o kahit anong magandang naiambag sa industriya at bansa.

  4. @Jude. Yung way ng pagkakasabi niya kasi. Parang ang yabang. Kinukumpara niya ang Pinas sa ibang bansa isa treatment ng work. Mahirap na bansa ang Pilipinas. Madaming problema ang produksyon. Hindi uunahin ang 1 gaya niya. Si Ate Guy nakaranas din ng ganyan sa ABS kaya nga mas pinili niya na magkaserye sa TV5 pero kinalat ba niya? Nagpaintrview ba siya, eh si Ate Guy na yun. Palibhasa wala ng kumukuha sa kanya kaya naghahanap siya ng publicity.

    @Archie. Sa bibig mo na din nanggaling na kaibigan mo siya kaya naman hindi ka nagdalawang-isip na ipagtanggol siya, Bakit may nagawa ka ba para iangat ang kalidad ng akting niya? Ano ba napala niya sa pelikula mong Taksikab? Wala! Napansin ba siya dun? Hindi. Lalo mo lang pinababa ang kalidad niya bilang theater actress ng isinali mo siya sa pelikula mo na walang kakwenta-kwentang laswaan at baklaan. Kung makapagsalita ka din para namang concern ka sa industriya, eh wala ka din namang ginagawa para iangat ang indie film. Kasama ka din sa mga nang-aabuso sa imahen ng indie para pagkakitaan at samantalahin ang mga kalalakihan. Ang lakas ng apog magsalita, basura din naman ginagawa!

    • neknek, masasabi ko na hindi mayabang yung pagkakasabi ni Marife nung na interview ko siya. Factual comparison dahil na tanong ko rin, may basis yung sinasabi niya dahil galing sa tunay na karanasan sa pagtrabaho abroad at dito. Na intindihan ko rin bakit siya nagpa interview or dun niya na i-labas dahil last contact niya was a phone call na wala na yung character niya. So ang hirap mag raise ng conern kung wala ka na sa show. Sinasabi rin niya sa kanila sa magandang paraan kung ano yung nangyayari pero umabot sa punto na walang nakikinig. Ako masasabi ko rin na hindi kami magkaibigan ni Marife BAGO nung interview pero sa ganda ng ugali niya na kita kung anong klas siyang tao. hindi siya nagpapapansin o sadyang naninira. Na kwento lang niya kung ano talaga nangyari sa kanya.

    • > Yung way ng pagkakasabi niya kasi. Parang ang yabang.

      Hum, hum, hum. Typical Pinoy reaction. Basta prangka, mayabang na. Sinabi na mismo ni Marife: Pinoys are too nice. Waaay to nice. To a fault. Bakit pa ba ako magtataka? 😛

      > Kinukumpara niya ang Pinas sa ibang bansa isa treatment ng work. Mahirap na bansa ang Pilipinas. Madaming problema ang produksyon. Hindi uunahin ang 1 gaya niya.

      Pero ang masamang palakad ng kumpanya ay hindi namimili ng mayaman o mahirap na bansa. For that matter, bad behavior doesn’t choose social standing or economic wealth.

      ‘Yung kamamatay lang na si Steve Jobs, may nakasabay na empleyado niya sa elevator na sinibak niya nang walang abiso o benefits pagkalabas nila doon, matapos lang ng una (at huling) beses na nakausap ng nasabing empleyado si Steve Jobs…ngayon, sabihin mo sa akin ngayon na sa isang bansang mahirap katulad ng PIlipinas lang pwedeng mangyari yun.

      > Si Ate Guy nakaranas din ng ganyan sa ABS kaya nga mas pinili niya na magkaserye sa TV5 pero kinalat ba niya?

      Did someone ask Ate Guy in the first place?

      For that matter, si Ate Guy lang ba ang artista sa Pilipinas?

      > Palibhasa wala ng kumukuha sa kanya kaya naghahanap siya ng publicity.

      Ininterview ka. Tinanong ka. Sumagot ka ng totoo, ‘yung walang halong sugarcoating. The interview gets published or posted online. Kahit na sa Time Magazine pa ‘yan o sa Inquirer o sa isang maliit na blog, considered published pa rin ‘yun. End of the story.

      And of course, an interview *is* a form of publicity. Is the Pope Catholic?

      > Sa bibig mo na din nanggaling na kaibigan mo siya kaya naman hindi ka nagdalawang-isip na ipagtanggol siya, Bakit may nagawa ka ba para iangat ang kalidad ng akting niya?

      So?

      > Ano ba napala niya sa pelikula mong Taksikab? Wala! Napansin ba siya dun? Hindi. Lalo mo lang pinababa ang kalidad niya bilang theater actress ng isinali mo siya sa pelikula mo na walang kakwenta-kwentang laswaan at baklaan.

      I’ll get back to you on this later…read on.

      > Kung makapagsalita ka din para namang concern ka sa industriya, eh wala ka din namang ginagawa para iangat ang indie film.

      E ikaw, ano ang nagawa mo para sa industriya? :/

      You know, at one point, we need feedback. Kung walang magsasalita na may problema sa industriya, lilinlangin lang ng mga taga-industriya ang sarili nila na “okay” ang lahat-lahat, when it is not. Binubulag lang nila ang sarili nila sa ilusyong sila rin ang lumikha. Kaya paminsan-minsan, kailangan din na merong magsalita at manindigan tungkol sa mga ganitong mga bagay-bagay. Sa ganon naman pwedeng magsimula ang mga pagbabago.

      But silencing critics will not help solve the problems of the film industry. The film industry will have to look at its problems at the face, and DO SOMETHING once those problems have been pointed out to them. That’s why feedback from critics and audiences is crucial.

      > Kasama ka din sa mga nang-aabuso sa imahen ng indie para pagkakitaan at samantalahin ang mga kalalakihan. Ang lakas ng apog magsalita, basura din naman ginagawa!

      Indie film gay exploitation films.

      Indie film gay films.

      Indie film sex films.

      Uulitin ko.

      Indie film “laswaan at kabaklaan”

      Ang pinagkaiba lang naman ng indie films at ng mainstream films ay ito: yung mode of production. Ang isang indie film ay walang backing ng malaking studio (at madalas, dahil dito, hindi napapakialaman ng ibang tao ang gustong gawin ng direktor or writer ng pelikula). Iba ito sa mainstream production na big-budget (e.g. millions) ang kayang ibigay para sa isang produksyon. At dahil maraming perang nakataya sa produksyon, kadalasan, pinapakialaman ng producers at ng “creative team” at ng “creative consultants” (whatever those s**t means) ang buong takbo ng pelikula, kasama na doon ang walang-habas na pagmasaker sa kwento ng pelikula. (That’s why you get bad Star Cinema and GMA Films movies that could have been better.)

      May mga indie films na wala namang halong “laswaan at kabaklaan” ang tema. This year lang, sa Cinemalaya, merong “Patikul” na tungkol sa Mindanao. Merong “Nino” na tungkol sa isang pamilya. At kahit na may bading na character yung “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”, walang “laswaan” na nangyayari dito. Sana napanood mo ‘yung mga pelikulang iyon, kasama ng ibang entries sa Cinemalaya.

      Ngayon…masasabi mo lang ‘yan kung ang mga indie films na napanood mo ay puro “laswaan at kabaklaan”; kung hindi, paano mo maja-justify na puro ganun lang ang indie film kung hindi ka nanonood ng indie films na walang “laswaan at kabaklaan”? Kung ang alam mo lang sa indie films ay puro “laswaan at kabaklaan” then…you need to see more films, local and foreign, indie and mainstream. Ika nga ng character ni Eddie Garcia, marami ka pang kakaining bigas.

    • Walang problema sa komento o opinyon mo sa pelikula ko kung talagang napanood mo. Salamat pa din kung napanood mo. Pasensya na kung di mo nagustuhan.

      Pero hindi naman yata wasto na paratangan mo ako ng “pang-aabuso” nang dahil lang sa tema, konteksto, at imahe ng aking pelikula. Hindi naman universally panned ang pelikula. May napangitan, may nagandahan, may hindi nakaunawa, may naliwanagan. Mixed reviews. Walang masama. Bawi na lang ulit sa susunod. At sigurado namang may susunod. At buo pa din ang tiwala ni Ms Necesito sa akin, kasama ng iba pang nagsiganap sa Taksikab – sa akin. Lubhang maliit ang pera na nagastos sa produksyon ko, pero sinigurado ko na sapat ang ibinayad sa serbisyo ng mga artista, at maayos ang working condition. Walang pinilit sa paghuhubad. Hindi pa nila sa akin direktang sinabi pero base sa mga naririnig ko sa iba, at sa mga binehave nila – proud naman sila sa pelikula at ginawa nila sa pelikula. Nakakontrata ang lahat, at nakaindicate pa na sa oras na magkaroon ng profit ang pelikula ay tatanggap pa sila ng karampatang halaga bilang acknowledgment sa dedikasyon na binigay nila sa pelikula. Kung may ilan kang mababasang reviews tungkol sa Taksikab – sinasabi ng ilan na magandang desisyon ang pagkakainvolve nila. Katulad ng sayo, opinyon lang din yun. Positibo at negatibo. Walang masama. Huwag lang ang paratang na walang ebidensya o konkretong argumento.

      Nagkataon lang na hindi ang tulad ni Marife ang mananahimik kung inaapakan, minamaliit, o binabalewala ang hinaing. Hindi iyon nangangahulugan na masama na ang ugali niya, o mayabang katulad ng sinasabi mo – at kung ito ay base sa personal na karanasan mo sa kanya, o kung ito ay sabi sabi lamang ng mga taong hindi nakakaintindi ng mga base sa sitwasyon at bagay bagay. Kilala ko isa-isa ang may ganyang sentimeyento kay Marife, at alam ko na lahat sila ay may sinasabi sa iba – para lamang makaisa sa kanya, noong mga panahon na naitiklop ang mga bibig nila nung narealize nilang hindi ang katulad ni Marife ang pwedeng barahin ng argumentong pabalang o wala sa hulog.

      Higit pa sa dekada ang pakikipagsapalaran ni Marife. Mas higit ang mga taong nagmamahal, humahanga, rumirespeto, at nagpapahalaga sa kanya kaysa sa mga taong makikitid ang utak na ang tingin lamang sa pangangatwiran ay simbolo ng pagkamayabang o pagkasama ng ugali. Pero sa halip na sayangin niya ang oras sa paglulunoy sa papuri o pangungutya – mas pinag-ukulan niya ang patuloy na pag-aaral sa kanyang sining at pagpupunyagi na mabigyan ng tamang papel bilang aktor. Kaya mula noon hanggang ngayon, nananatili siyang competitive sa kahit anong auditions – international man o lokal. Kung hindi man siya mapili, hindi yun dahil sa mas magaling sa kanya ang kalaban, kundi sa mas madalas ay mas pinapaboran ang pangalan, o ang nepotismo.

      Kung kilala mo talaga sa personal si Marife, walang duda na hindi ganyan ang magiging opinyon mo sa kanya. Kahit pa magsalita siya ng kahit ano. At uulitin ko, tahimik lang talaga at mababang loob si Marife – huwag mo lamang siyang babalasubasin ng sagad sagaran- kahit sino ka pa. Makakatikim ka ng “paliwanag”

      Correction lang, madami pa din kumukuha sa kanya. Yun nga lang pinipili na niya ang tatanggapin. Para makaiwas na din sa mga masamang karanasan noon.

  5. @Nico and Passersby. Pero isang kaarogantehan ang magpainterview para isiwalat ito, totoo man o indi. Saka hindi naman ‘yung kabastusan ang sinasabi ko. ‘Yung naging attitude niya towards dun sa isyu. Kung talagang concern artist siya ng Pilipinas, hindi siya magpapainterview. Dapat sabihin niya sa tamang tao o sa tamang lugar. Bakit siya nagpainterview? Dahil gusto niyang pag-usapan. Saka bakit kailangang magdrop name pa. Anong gusto niyang palabasin? Gusto niyang magkaroon ng libreng PR.

    Bakit nadinig mo na ba ang side ng mga taga production? Hindi rin ako kumporme sa maling pamamalakad ng mga network na yan at sa mga maling pagtrato sa mga nagtatrabaho sa industriya, mapateatro man o TV, mainstream man o indie. Ang akin lang, mas bibilib sana ako sa kanya kung hindi ganyan siya magsalita.

    Saka kung inyong papansinin, ang interview ay tungkol sa pelikulang Mammoth (claim to fame niya kahit ilang taon na lumipas) pero halatang inlihis niya sa gusto niyang pag-usapan. ibig sabihin, paimportante siya.

    Saka naitanong nyo na ba kung bakit ganyan ang trato sa kanya? Baka naman kasi may problema din sa pag-uugali nyan? baka naman masyado siyang umasta sa prod., dahil sa tono ng pananalita niya malalim ang relasyon niya dun sa Angie Ferro kaya malakas ang loob nyang magrequest ng mga tent. Kung wala kayong idea sa totoong ugali niya, eh di magtanong kau sa mga taong nakatrabaho niya sa indie na sinalihan niya, kahit dun sa huling ginawa niya kay Lav Diaz.

    @Romeo. Indi naman ito retreat. Wag ka ditong magrecollect ng mga memories nyo. Kakatawa ka naman! May masabi ka lang! Magpainvolve lang.

    • > Pero isang kaarogantehan ang magpainterview para isiwalat ito, totoo man o indi. Saka hindi naman ‘yung kabastusan ang sinasabi ko. ‘Yung naging attitude niya towards dun sa isyu. Kung talagang concern artist siya ng Pilipinas, hindi siya magpapainterview. Dapat sabihin niya sa tamang tao o sa tamang lugar. Bakit siya nagpainterview? Dahil gusto niyang pag-usapan. Saka bakit kailangang magdrop name pa. Anong gusto niyang palabasin? Gusto niyang magkaroon ng libreng PR.

      So you’re saying…pag ang babae ni-rape ng sex maniac, hindi na lang niya ire-report? Dahil naghahanap lang ng publicity ‘yung babae?

      Kapag ang isang empleyado natanggal sa trabaho dahil trip lang ng nagpapasahod at tinanggal siya nang walang abiso at nang hindi binibigay ang benepisyo, hindi na lang dapat isiwalat sa media? Dahil naghahabol lang sa pera ‘yung kawawang trabahador?

      > Bakit nadinig mo na ba ang side ng mga taga production? Hindi rin ako kumporme sa maling pamamalakad ng mga network na yan at sa mga maling pagtrato sa mga nagtatrabaho sa industriya, mapateatro man o TV, mainstream man o indie. Ang akin lang, mas bibilib sana ako sa kanya kung hindi ganyan siya magsalita.

      Well…intayin na lang natin na magsalita ang side ng producition. *Kung* magsasalita man sila.

      Gusto kong mag-ilusyon na mangyayari nga iyon. Pero hindi na ako umaasa. (GMA pa nga lang ‘yan…imagine-in mo kung sa ABS nangyari ‘yan.) Good luck na lang.

      > Saka kung inyong papansinin, ang interview ay tungkol sa pelikulang Mammoth (claim to fame niya kahit ilang taon na lumipas) pero halatang inlihis niya sa gusto niyang pag-usapan. ibig sabihin, paimportante siya.

      Nabasa mo na ba ‘yung Part 2 ng interview? HIndi sa post na ito,

      > Saka naitanong nyo na ba kung bakit ganyan ang trato sa kanya? Baka naman kasi may problema din sa pag-uugali nyan? baka naman masyado siyang umasta sa prod., dahil sa tono ng pananalita niya malalim ang relasyon niya dun sa Angie Ferro kaya malakas ang loob nyang magrequest ng mga tent.

      Kung binasa mo talaga ‘yung interview—‘yan ay kung talagang binasa mong mabuti, hindi ‘yung dumaan lang sa mga mata mo ‘yung mga pangungusap—ni hindi nga si Marife ‘yung unang nag-react. ‘Yung teacher niya na si Angie Ferro pa. Parang hindi naman yata patas na pagbintangan mong may ugali siya kung hindi nga siya ‘yung umiimik.

      > Kung wala kayong idea sa totoong ugali niya, eh di magtanong kau sa mga taong nakatrabaho niya sa indie na sinalihan niya, kahit dun sa huling ginawa niya kay Lav Diaz.

      May personal na galit ka ba kay Marife kaya mo nasabi ‘yan?

      > Indi naman ito retreat. Wag ka ditong magrecollect ng mga memories nyo. Kakatawa ka naman! May masabi ka lang! Magpainvolve lang.

      Hindi rin ito ang Pinoyexchange.com o ang Facebook page ng GMA News TV para may masabi ka lang….

  6. @neknek 26 Neknek mo. Sino ka ba sa totoong buhay aber? (hindi kita tinatarayan ha, ganito lang ako magsalita at magsulat)

    Just to be fair, I will summarize the situation from an independent point of reference then I’ll post my own analysis. In short, walang proper names involved, para walang bias. At OO, kaibigan ko si Marife. For me, MABUTI siyang tao na MAY PANININDIGAN. Hindi ko na iinclude yung isyu sa kainan o tent o nametag. Yung main isyu lang

    1. Actress was promised a role preprod pa lang sa isang telenovela. Pilot pa lang andun na siya.

    2. Actress’ lines kept being given away to other characters in the telenovela without her being informed beforehand.

    3. Actress spoke up about the issue. She was fired and was told that she has an attitude problem

    ANALYSIS:

    1. Professionalism should exist ANYWHERE. Siguro naman alam natin ang minimum standards ng professionalism o baka kailangan ko pang i-Wikipedia dito? In connection with this, if someone was promised a role, the person/s involved should follow through with that promise if they are (and they claim to be) PROFESSIONAL. There would be a problem though if this was a verbal promise, because if NO ONE will admit to witnessing that verbal agreement, and there is no written agreement (CONTRACT), then there is NO WAY to prove that such PROMISE existed.

    2. Based on #1, and following the line of thought that such PROMISE existed, it is indeed UNPROFESSIONAL to give away an actor’s lines to another without mutual consent from both parties since he/she has the right to the ROLE.

    3. How do we define ATTITUDE PROBLEM in the first place? If an actor speaks up about something concerning an acting job, it is just APT because his/her ACTING JOB is concerned. He/she shouldn’t be fired because of that. NOW, if it was the WAY she/he spoke about it (let’s say she was rude, tempers flared, etc.), then that MAY justify his/her getting fired. HOWEVER, let’s say the latter situation is true and things just got out of hand one fine day, it is WRONG for ANYONE to GENERALIZE a person’s character because of a SINGLE situation.

    4. ACTOR = EMPLOYEE, ACTING WORK = JOB, PRODUCTION COMPANY/ANYONE HIGHER IN POSITION = BOSS. In short, if you’re an ACTOR and you don’t like your WORK because of the UNPROFESSIONAL POLICIES of the BOSS/ES, just QUIT. Para tapos. Para walang problema.

    LESSON LEARNT. KAILANGAN TALAGANG MAUSO ANG KONTRATA. KAILANGAN NANG MALALA. KASI KUNG MAY KONTRATA, MALINAW ANG KARAPATAN NG ISANG AKTOR, PATI ANG KANYANG SUWELDO. If you think about the equation I’ve written above, would you consider applyin for a regular job as an employee without a contract? Di ba hindi? E bakit kapag acting job pumapayag ang mga aktor na walang kontrata?

    My two cents’. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s